Monday, July 7, 2008

Ano ang Panitikan?

Sa dagdag na ating kaalaman, tayo'y tutungo at pag-aaralan natin kung ano ang panitikan.

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura, na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba't ibang klase ng damdamin. Ang halimbawa nito ay ang pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.


Uri ng Panitikan

Ang panitikan ay may dalawang uri, ito ang tuluyan at patula. Ang tuluyan o prosa na sa salitang Ingles ay prose. Ito ay maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

Ang patula o panulaan na tawag sa salitang Ingles ay poetry. Ito ay pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.


Mga halimbawa ng Panitikan

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng panitikan. Pindutin lamang kung gusto niyong malaman kung anu ibig sabihin ng bawat isa.
  1. Pabula
  2. Anekdota
  3. Talumpati
  4. Nobela
  5. Alamat
  6. Sanaysay
  7. Epiko
  8. Balita
  9. Maikling kwento
  10. Dula
  11. Talambuhay
  12. Parabula
  13. kwentong bayan
  14. Kantahan
  15. Tanaga
  16. Sawikain
  17. Salawikain
  18. Bugtong
  19. Awit at Korido
  20. Balad

10 comments:

DA6 said...

hi, just want to say hi, found ur link at smorty, and the pinoy forum...

hope u visit my site
http://www.madelainejordan.com
http://www.mumarmadel.blogpsot.com

I am a blogger too.

<3 Mitch Musso said...

Hey, thanks a lot for the blog about Panitikan.
I needed it for my homework :P haha xD

cheers

bluegravy said...

tama ang pinagmulan ng salitang PANITIKAN at kung paano ito inihambing sa salitang LITERATURA.

Gayunpaman, naging problematiko ang dalawang uri ng panitikan- ang tuluyan at patula. Batid ko na mayroon din tayong Panitikang Oral (o Oral Literature). Ito ang panitikang hindi nababasa o nasusulat.

Dagdag pa dito ang Panulaan o Patula ay hindi lamang pinapakahulugan bilang "pagbibigay ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma". Bagkus kailangan nating makita ang pinakapangunahing elemento ng tula- ang talinghaga. Marami na ring modernong tula ngayon ang walang tugma, walang sukat...

Andie said...

thanks so much for this one.
i just really needed an answer for my Filipino assignment and can't find it in other websites good thing i found yours. =D

kim said...

this site is very helpful for me :))

tumbs up

JV Ponders said...

Salamat po sa post na 'to! May sagot na ko sa HW ko.

mae_hesita said...

hello
salamat po sa sagot
at nabawasan ang inc SA RECORD KO,,,
hehehe,,from pangarap high school,,
PRINCESS MAE HESITA BACARISAS,,,:)

mae_hesita said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

Can i ask who is the author ofthis bLog ?

Maica said...

sa papaanong paraan nag sasabi o nag papahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasa, hangarin,at diwa ang panitikan